Rule #1:
Never Argue – Wag kang mag-aaksaya ng oras
makipagtalo sa prospect na super negative or hindi interesado. Wala
naman kasing nananalo sa pakikipagtalo. Kung tingin mong hindi
qualified yung prospect na kausap mo, simply reject them in your
business. Sabihin mo lang… “Ben, Mukang hindi ikaw yung tipo ng
hinahanap namin para sa opportunity na ‘to. Thanks for your time.”
Spend your time sorting and talking to qualified prospects. Wala kang
kaylangan sayangin na oras para lang makipagtalo. This is a sorting
business. Ang hinahanap mo lang ay yung mga tamang tao para sa
business mo.
Rule #2:
Never Convince - Kung mataas ang belief level mo at kung
naniniwala ka na talagang makakatulong sa prospect mo ang product
at opportunity mo, hindi mo na kaylangan na mag-convince o mag
hard sell o mang hype. Mga amateur lang ang nagko-convince dahil
hindi pa ganun kataas yung belief nila sa sarili nila, sa product at sa
business nila kaya nila ine-exaggerate, nilalakihan ang claim at
minsan nagsisinungaling pa. Remember, ang trabaho mo lang
naman talaga ay maibigay ang sapat na information na kaylangan ng
prospect mo para makapag-decide sila sa sarili nila kung tama ba sa
kanila ang opportunity na ino-offer mo.
Rule #3:
Never Assume Negativity - Madalas yung mga objections
na maitatanong sa’yo ay mga sincere na concerns. Hindi porket may
objection ang isang prospect ibig sabihin ay negative na s’ya. Always
dig deeper sa mga objections na itatanong sa’yo. Alamin mo ng
maige yung tunay na concern nila para mas maunawaan mo kung
paano mo maha-handle o masagot yung mga objections na yun.
Rule #4:
Always Be The One Asking -. Ikaw ang kaylangan na
nagko-control ng pag-uusap n’yo ng iyong prospect. Use questions
para magawa mo ito. Be a leader at i-lead mo ang prospect mo para
makita at marealize n’ya ng maige kung ano ang maitutulong at
benefit ng opportunity mo para sa kanya. But most importantly,
always maintain your power and posture by being the one who’s
asking the questions.
Rule #5:
Always Listen Carefully – Eto ang isa sa pinaka
importante sa lahat. Say as little as
possible. Ang pinakatrabaho mo ay mag tanong at makinig.
Rule #6:
Always Tell Your Prospect What To Do Next – Ang mga
qualified na prospect, naghahanap yan ng leader na magga-guide sa
kanila. Lagi mo silang gabayan sa kung anu-ano yung mga gagawin
nila. Kapag may kinakausap akong prospect, lagi kong ginagamit
yung mga linyang tulad ng “Eto yung susunod na gagawin mo…” “Eto
yung Step 1 na gagawin mo…” I-guide mo ng mabuti ang prospect
mo sa proseso kung paano sila makakapagsimula para maging
madali para sa kanila ang pagsisimula ng kanilang business.
Rule #7:
Never Disagree – Kung hindi ka sang-ayon sa sinabi ng
prospect mo, pwede mong gamitin ‘tong mga linya na ’to bago mo
sabihin yung opinion mo…
“Naiintindihan kita pero…”
“Alam ko yang nararamdaman mo pero…”
“I understand you pero…”
“May point ka d’yan sa sinabi mo pero…”
Rule #8:
Always Know Their Reason Why Before Answering Any
Objections – Wag na wag kang sasagot ng objections hangga’t hindi
mo pa nalalaman yung reason why ng prospect mo. Kung sa simula
pa lang ay nagbato kaagad s’ya ng objection, pwede mong kontrolin
ang conversation n’yo by telling your prospect this…”That’s a good
question sasagutin ko lahat ng mga tanong mo mamaya. Ngayon
gusto muna kitang interviewhin para malaman natin parehas kung
para ba sa’yo ang opportunity na ‘to. Do you want to continue?”
Hard Rock Hotel & Casino Columbus - MapYRO
ReplyDeleteFind your 양주 출장샵 way around the casino, 수원 출장샵 find where everything is located with 안성 출장마사지 the largest slot machines, 삼척 출장샵 restaurants and retail space in the 제주 출장샵 world. Search